-- Advertisements --
Aabot sa 21 katao ang nasawi sa ginawang airstrike ng militar sa Myanmar.
Tinamaan sa nasabing airstrikes ang isang paaralan at ang lugar kung saan nagaganap ang kasalan.
Mayroong 35 na iba pa ang nasugatan sa nasabing insidente.
Ito na ang pangalawang araw na airstrikes ng military sa Myanmar dahil noong Huwebes ay tinamaan ang Magway region kung saan pinamumugaran ng mga resistance forces.
Ilan sa mga tinarget ng militar ay ang lugar ng Mrauk-U town,sa Rakhine state.
Ang nasabing lugar ay kontrolado ng Arakan Army (AA) isa sa mga pinakamalakas na ethnic armies na lumalaban sa military.














