-- Advertisements --

Napigilan ng Ukrainian army ang mga sundalo ng Russia na makausad sa northeastern border region ng Sumy.

Ayon kay Gen Oleksandr Syrskyi na naging maagap ang kanilang mga sundalo para harangin ang mga Russian forces.

Ang Sumy border ay una ng nasakop ng Russia noong nakaraang taon subalit ito ay mabilis na nabawi rin ng mga puwersa ng Ukraine.

Magugunitang naging matagumpay ang pagbisita ni Ukraine President Volodymyr Zelensky sa the Netherlands ng dumalo ito sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) summit.

Sa nasabing NATO summit ay nakakuha ito ng ilang milyong mga mga tulong militar mula sa European at Canadian allies.