-- Advertisements --

Kinilala ng United Nations (UN) ang Pilipinas sa mga tagumpay nito sa digital governance matapos mapabuti ang ranking ng bansa sa E-Government Development Index mula noong taong 2022 hanggang 2024.

Tinanggap ng mga kinatawan ng Pilipinas ang award sa 2025 UN Public Service Forum sa Samarkand, Uzbekistan.

Bukod dito tumaas din daw ang klase ng Pilipinas mula “High” patungong “Very High” sa E-Government Development Index at Online Service Index (OSI), na tumaas ng mahigit 15% mula 2022 hanggang 2024 dahil sa broadband access, pagpapabuti ng e-government platforms, at pagpapalaganap ng digital literacy.

Ayon kay David Almirol Jr., Undersecretary for E-Government ng Department of Information and Communications Technology ang pagkilala ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng gobyerno sa digitalization ng mga serbisyong pampubliko, alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.