Nagpahayag ng kahandaan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na imbestigahan na may kaugnayan sa mga nagbigay ng donasyon sa kaniyang kampanya noong nakaraang 2022 elections.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na dapat ay gawin ng Commission on Elections ang kaniyang trabaho ukol sa nasabing usapin.
Nagmula ang ulat sa Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) kung saan kapwa nakakuha sina Marcos at ka-tandem nito na si Vice President Sara Duterte ng campaign contributions ng ilang milyong pesos mula sa mga contractors ng mga proyekto ng gobyerno.
Ito ay kahit na nakasaad sa probisyon ng Omnibus Election Code na pinagbabawal ang mga kandidato na tumanggap ng mga kontribusyon mula sa mga negosyanteng may kontrata sa gobyerno.