-- Advertisements --

Itinanggi ni Davao City Representative Paolo Duterte ang pagkakaroon ng mga ghost flood control projects sa kaniyang distrito.

Kasunod ito sa pagbubunyag ni House Deputy Minority Leader and ACT Teachers party-list Representative Antonio Tinio na maraming mga flood control projects niya ang maanomalya.

Ayon kay Duterte na bawat flood control projects niya sa Davao at Matina River ay naimplementa.

Mismo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Commission on Audit (COA) ang nagsagawa ng inspection at validation ng nasabing proyekto.

Inakusahan lamang nito si Tinio na kumukuha ng atensiyon kaya ipinapakalat ang kasinungalingan.

Magugunitang sinabi ni Tinio na mayroong 121 kontrata mula 2019 hanggang 2022 base sa opisyal na datos mula sa Sumbong sa Pangulo website ang mayroong anomalya.

Ang nasabing halaga ng flood control ay aabot sa P4.35 bilyon sa unang distrito ng Davao City.