LAOAG CITY – Inihayag ni dating ACT Teachers Party-list Representative France Castro na hindi na siya nagulat sa pagbasura sa impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Gayunpaman, ipinaliwanag niya na sinubukan pa rin nilang magsampa ng impeachment complaint laban sa Pangulo dahil nananawagan ang taumbayan na managot ang mga sangkot sa anomalya.
Aniya, sa una ay nagkaroon ng mga hadlang sa paghahain ng impeachment complaint sa opisina ng Secretary General kung saan dalawang beses itong isinampa bago ito i-refer sa Committee on Justice.
Sabi niya na nagpatuloy sila sa paghahain ng impeachment complaint dahil naniniwala silang sagot ito sa tanong kung bakit walang nahuhuling “big fish” ng gobyerno.
Naniniwala siya na si Marcos ang kinukunsidera na “big fish” sa patuloy na korapsiyon sa bansa.
Paliwanag niya na hindi patas ang pagsiyasat ng Committee on Justice sa impeachment complaint ni Marcos dahil mayroon na silang planong patayin ang reklamo.
Paliwanag niya na ang komite ay “bias” dahil naghahanap sila ng ebidensya mula sa kanila kahit na ito ay naisumite at inilagay sa isang flashdrive.
Tinawag din niyang “immature” sa pagpatay sa impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Marcos.
Samantala, ipinaalam ni Castro na may 60 porsiyentong inaasahan na magpapatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte hanggang sa makarating ito sa Senado.
















