Nagsagawa ngayong araw ng inspeksyon si Department of Public Works and Highways Sec. Vince Dizon ng mga drainages, waterways, at flood control projects sa Navotas.
Kasama ni DPWH Sec. Vince Dizon nag-inspeksyon ay sina DPWH Undersecretary Arthur Bisnar, Presidential Communications Office Usec. Honey Rose Mercado, Navotas MayorJohn Reynald Tiangco at Navotas Rep. Toby Tiangco.
Kanilang sinadya bisitahin ang Navotas Coastal Dike na siyang tinamaan ng malakas na storm surge nang manalasa at maranasan ang hagupit ng bagyong Uwan.
Kung kaya’t tiniyak ng kagawaran na nananatiling nakapwesto mga tauhan at equipment nito sa iba’t ibang mga lugar na naapektuhan ng bagyo para maseguro ang tuluy-tuloy na clearing operations.
Ininspeksyon din ng kalihim pati ang Sunog Apog Pumping Station sa Tondo, Manila.
Alinsunod anila ang isinagawang inspeksyon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na tiyakin ang agarang tulong lalo na sa mga bahaing lugar.















