-- Advertisements --

Gaganapin na ngayong araw (Feb. 27) ang pagrepaso sa detention o pagkakadetene ni dating Pang. Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) Detention Centre sa The Hague, Netherlands.

Dito ay aaralin ang ang legalidad at pangangailangang manatili ng dating pangulo sa loob ng naturang pasilidad, salig sa legal standards at sariling ebidenisya ng korte.

Kung matutukoy ng ICC na ang pagkakadetene ng dating pangulo ay unjustified o lumalabag sa international law, tuluyan nitong aaprubahan ang paglaya ng deting pangulo.

Una nang nagpahayag ang dating pangulo ng kaniyang kagustuhan na hindi dumalo sa pagdinig at tanging ang kaniyang legal team na lamang muna ang magsisilbing kaniyang kinatawan sa proceedings.

Nakatakda ito sa huling yugto o huling session ng Day 4 ng confirmation of charges hearing ng dating pangulo ng Pilipinas.