-- Advertisements --

Pansamantalang walang kuryente sa 4 na transmission lines mula sa Eastern Visayas at 1 mula sa Northern Mindanao dahil sa Bagyong Tino.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang mga apektadong linya sa Eastern Visayas ay ang Maasin-Baybay 69kV Line, Ormoc-San Isidro 69kV line, Ormoc-Baybay 69kV line, at Maasin-San Isidro 69kV Line.

Sa Northern Mindanao, apektado rin ang Placer-Madrid 69kV line na nagbibigay ng kuryente sa Surigao del Norte.

Dagdag pa rito, mayroon ding isang 138kV at isang 350kV line na hindi gumagana.

Kaya naman, nagpakilos na ang NGCP ng mga tauhan para mag-inspeksyon at magkumpuni, lalo na sa mga lugar na mapupuntahan na nila.