Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines na nananatiling matatag ang serbisyo ng power transmission sa Davao Oriental kasunod ng Magnitude 5.3 na lindol
Matapos ang naturang lindol, agad na nagsagawa ng inspeksyon ang NGCP upang matiyak ang kaligtasan at integridad ng kanilang mga pasilidad.
Sa kanilang pag-iinspeksyon, wala silang natanggap na anumang ulat hinggil sa pagkakaroon ng power interruption o anumang napinsalang pasilidad na maaaring idinulot ng lindol.
Dagdag pa rito, tiniyak din ng NGCP na nananatiling buo at gumagana ang Mindanao Grid, partikular na sa rehiyon ng Davao, pati na rin sa iba pang mga lugar sa Mindanao kung saan naramdaman ang pagyanig ng lupa.
Ang mabilis na pagtugon at pag-iinspeksyon ng NGCP ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng maaasahan at tuloy-tuloy na supply ng kuryente sa buong rehiyon.















