-- Advertisements --

Nakalabas na ang Super Typhoon Nando sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong umaga ng Martes, Setyembre 23, base sa inilabas na advisory ng state weather bureau kaninang alas-10:00 ng umaga.

Patuloy namang binabantayan ang low pressure area (LPA) na namataan sa labas ng PAR na nabuo bilang Tropical Depression.

Nasa distansiyang 1,090 kilomaters sa silangan ng Eastern Visayas ang naturang tropical depression.

Nananatiling nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal sa maraming lugar sa bansa kung saan pinakamataas ay signal no. 3 kabilang ang Ilocos Norte, northwestern portion ng Apayao (Calanasan), northwestern portion ng mainland Cagayan kasama ang western portion ng Babuyan Islands, base sa advisory na inilabas ng state weather bureau kaninang alas-5:00 ng umaga.