Umabot na sa 11,460 pamilya ang natukoy na apektado sa pananalasa ng bagyong Wilma, ang ika-23 bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong taon.
Ito ay katumbas ng 28,850 kato mula sa kabuuang 63 barangay.
Batay sa December-6 report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Management, 125 pamilya na binubuo ng 358 indibidwal ang dinala sa mga evacuation center.
Umabot na rin sa walong evacuation center ang binuksan, habang inihahanda ang iba pa, para sa posibleng mas malawakang paglikas.
Pangunahing naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Wilma ay ang Bicol Region, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Caraga Region.
Nananatiling available ang mahigit P2.13 billion na halaga ng pondo at resources para sa mga biktima ng naturang bagyo.
Ito ay binubuo ng mahigit P2 billion na halaga ng food at non-food items at halos P80 million na quick response fund. Nakapaghatid na rin ang ahensiya ng halos P800,000 na halaga ng humanitarian assistance sa mga apektadong residente.















