Umabot na sa P16.2 milyon ang kabuuang halaga ng tulong na naipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Albay.
Ang tulong ay binubuo ng family food packs, hygiene kits, at iba pang essential items na ipinamamahagi sa mga evacuation centers.
Sa kasalukuyan, nasa 1,132 pamilya o 4,105 indibidwal ang naapektuhan ng sitwasyon.
Karamihan sa kanila ay nananatili sa 12 evacuation centers sa Bicol Region.
Mayroon ding 17 pamilya o 51 katao na pansamantalang nakikituloy sa mga kamag-anak at kaibigan.
Bukod dito, nakahanda ang DSWD ng P3.04 billion Quick Response Fund para sa mga komunidad na apektado ng iba’t ibang kalamidad.
Patuloy ang koordinasyon ng DSWD Field Office V sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang mabilis na distribusyon ng tulong sa mga evacuees.
















