Personal na nagtungo ngayong hapon si Pasig City Mayor Vico Sotto sa Comelec Political Finance and Affairs Department upang magsampa ng reklamong election overspending at perjury laban sa kontratistang si Sarah Discaya, na tumakbo rin bilang alkalde ng kanilang lungsod.
Ayon kay Sotto, lumabag si Discaya sa mga regulasyon ng Comelec hinggil sa tamang paggamit ng campaign funds.
Binanggit din ng alkalde na may mga hindi tugmang impormasyon sa mga dokumentong isinumite ng kanyang katunggali, dahilan upang magsampa siya ng kasong perjury.
Matatandaang si Discaya ay Chief Financial Officer ng St. Gerard Construction General Contractor and Development Corp., at naging sentro ng kontrobersya noong nakaraang halalan sa Pasig.
Noong 2025, si Sotto ay nakakuha ng mahigit 351,000 boto, malayo sa halos 29,000 boto lamang ni Discaya, batay sa opisyal na resulta ng poll body.
Samantala, kinumpirma ng komisyon na natanggap na nila ang reklamo ni Sotto at sisimulan ang pag-aaral sa mga ebidensyang isinumite.
Sa ilalim ng batas, ang election overspending ay maaaring magresulta sa disqualification at posibleng kasong kriminal laban sa kandidato.
















