-- Advertisements --

Walang inaasahang bagyo sa bansa ngayong linggo matapos maging low pressure area na lamang ang bagyong Wilma na nananatili sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Hihina naman ang hanging Amihan gayundin ang shear line sa araw ng Miyerkules subalit inaasahan ang surge ng Amihan sa Linggo.

Maaari pa ring maranansan ang kalat-kalat na pag-ulan sa ilang parte ng MIMAROPA at Western Visayas ngayong Lunes, habang magpapatuloy na iiral ang katamtaman hanggang sa mabibigat na pag-ulan dala ng Shear Line na makakaapekto sa Cordillera, Cagayan Valley at Aurora hanggang sa araw ng Martes.

Posible namang maranasan pa rin ang kalat-kalat na pag-ulan mula sa araw ng Miyerkules hanggang sa Sabado at ang panibagong surge ng Amihan ay muling magpapaigting sa Shear Line sa may hilagang parte ng Cagayan Valley at Cordillera sa Linggo.

Mararanasan naman ang malamig na umaga at gabi sa Batanes, Babuyan at Ilocos Region kahit na humina na ang Amihan.

Iiral naman ang mainit at mahulimigmig na Easterlies sa maraming lugar sa bansa sa buong linggo. Ibig sabihin, mainit at humid na may mga pag-ulan sa bandang hapon dulot ng thunderstorms ang mararanasan lalo na sa Southern Luzon at Mindanao.

Sa Metro Manila naman, makakaranas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong Lunes at sa Miyerkules, at maulap na kalangitan bukas, at posible ang rain showers sa Huwebes at Biyernes at mainit at tuyong panahon naman sa weekend.