-- Advertisements --
Mataas ang tiyansa na mabuo bilang bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa sunod na 24 oras, ayon sa state weather bureau.
Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 1,275 kilometers (km) silangan ng Southeastern Luzon.
Sa oras na pumasok ito ng PAR, tatawagin itong Wilma. Base sa forecast, inaasahang magla-landfall ito sa may Eastern Visayas o Caraga Region.
Subalit, ayon sa weather bureau, ang naturang forecast sa track ng LPA ay may mataas na uncertainty, subalit pinapayuhang ang mga nasa Bicol Region, Eastern Visayas at Mindanao na mag-ingat sa mga pag-ulan na mag-uumpisang maranasan simula sa araw ng Biyernes, Disyembre 5.
















