Asahan na ang mga pag-ulan pagsapit ng New Year’s Eve sa ilang bahagi ng bansa dahil sa pag-iral ng tatlong weather system.
Ayon sa state weather bureau , aasahan ang maulap na kalangitan hanggang sa kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms sa lalawigan ng Catanduanes dahil sa pag-iral ng shearline.
Bahagyang maulap na kalangitan naman ang aasahan at mga pag-ulan at thunderstorms ang iiral sa Visayas, Mindanao, MIMAROPA at nalalabing bahagi ng Bicol Region dahil sa easterlies.
Pinag-iingat ang lahat dahil sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga apektadong lugar.
Northeast Monsoon o Amihan naman ang magdadala ng mga isolated light rains sa Metro Manila sa natitirang parte ng Luzon ngunit wala itong inasahang malaking impact.
Wala rin namonitor na anumang sama ng panahon o LPA SA loob at labas ng PAR.
















