-- Advertisements --

Mababa ang tsansa na magina bagyo ang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility sa susunod na 24-oras ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). 

Ayon sa state weather bureau, bagaman hindi magiging bagyo ang LPA may dala parin itong sama ng panahon sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Tawi-Tawi at Palawan. 

Habang, makakaranas naman ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkidlat sa Bicol Region, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Northern Samar, Antique, Aklan, Capiz at Iloilo dahil sa shearline. 

Magdudulot din ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan ang easterlies sa Visayas at Caraga pati na rin sa Mindanao. 

Samantala, maapektuhan naman ng sama ng panahon ang  Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora, Metro Manila at kabuoan ng Luzon dahil naman sa Northeast Monsoon o Amihan. 

Patuloy naman ang pagbabala ng PAGASA sa mag posibleng flash floods at landslides kung kaya’t pinapaalalahanan ang publiko na mag doble ingat para makaiwas sa anumang mga posibleng aksidente.