-- Advertisements --

Nakataas ang flood warning sa walong rehiyon ng bansa ngayong Enero-14, 2026.

Ayon sa state weather bureau, inaasahang magdudulot ng mga pag-ulan ang nabuong bagong bagyo na ”Ada” sa silangan ng Davao City, na posibleng magdulot ng mga pagbaha at serye ng landslide sa maraming lugar.

Umiiral din ang hanging amihan na posibleng magdadala ng mga pag-ulan sa lilang rehiyon sa Northern Luzon.

Kabilang sa mga rehiyon na nasa ilalim ng flood warning ay ang mga sumusunod:

  • Region 3 (Central Luzon)
  • Region 4A (CALABARZON)
  • Region 8 (Eastern Visayas)
  • Region 10 (Northern Mindanao)
  • Region 11 (Davao Region)
  • Region 12 (SOCCSKSARGEN)
  • Region 13 (CARAGA)
  • BARMM

Ayon sa weather bureau, mataas ang tyansa ng bagong LPA na tuluyang maging ganap na bagyo at posibleng magdudulot ng mas malawak at malalakas na pag-ulan sa mga susunod na araw.