-- Advertisements --

Magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ang bagyong Ada hanggang sa araw ng Lunes, Enero-19.

Batay sa pagtaya ng state weather bureau, may potensyal ang mga naturang pag-ulan na magresulta sa malawakang pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga bulubunduking lugar.

Ngayong araw, inaasahang makakaranas ng 100-200 mm na ulan ang mga probinsiya ng Northern Samar at Eastern Samar, habang 50-100 mm ng ulan naman ang inaasahang bubuhos sa mga probinsiya ng Catanduanes, Albay, Sorsogon, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, at Dinagat Islands.

Sa araw ng Sabado, January 18, muling mararanasan ang 100-200 mm na ulan sa mga probinsiya ng Catanduanes, Albay, at Sorsogon, habang 50-100 mm ng ulan naman ang inaashaang bubuhos sa mga probinsiya ng Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, at Leyte.

Sa araw ng Lingo hanggang araw ng Lunes (January 18-19), inaasahan muling bubuhos ang 50-100 mm ng ulan sa mga probinsiya ng Catanduanes, Camarines Norte, at Camarines Sur.

Ayon pa sa weather bureau, posibleng makakaranas ng mas malalakas na pag-ulan ang ibang lugar na posibleng magdudulot ng mas mabilis at mas malawak na pagbaha.