-- Advertisements --

Sinuspinde ng ilang local government unit ang klase sa ilang bahagi ng bansa sa Biyernes, Enero 16, 2026 dahil sa epekto ng Tropical Storm Ada.

Bunsod ‘yan ng inaasahang malalakas na pag-ulan sa mga rehiyon sa:

Region V (Bicol Region)

  • Albay: no face-to-face classes, lahat ng antas sa public at private, at ililipat sa alternative learning modality
  • Sorsogon: no face-to-face classes, lahat ng antas sa public at private.

Region VIII (Eastern Visayas)

  • Eastern Samar: no classes sa lahat ng antas sa public at private.

Biliran

  • Kawayan: no classes sa lahat ng antas sa public at private effective nitong hapon ng Enero 15, 2026 hanggang sa susunod na abiso.

Samar:

  • Catbalogan City: no face-to-face classes sa lahat ng antas sa public at private; ililipat sa alternative learning modality.