-- Advertisements --

Inamin ng Department of Health (DOH) na labis ang kakulangan ng dentista sa bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Emmie Perez, na dahil dito ay maraming mga nagsusulputang iligal na dentista sa bansa.

Base sa kanilang pagtaya na mayroong populasyon ng isang dentista sa 53,000 na pasyente.

Dahil rin sa kakulangan ng mga dentista sa bansa ay mayroong siyam sa 10 mga batang Pinoy ang dumaranas ng pagkasira ng ngipin o mayroong dental problems.

Gumagawa na sila ng hakbang para matugunan ang nasabing problema ng kakulangan ng dentista sa bansa.