-- Advertisements --

Nagbabala ang mga otoridad sa nalalapit na panganib sa Hilagang Luzon habang papalapit ang mata ng Super Typhoon Nando sa Babuyan Islands.

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Aparri Doppler Weather Radar, tinatayang nasa 110 km silangan ng Calayan, Cagayan ang mata ng bagyo.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin: 215 km/h at pagbugso ng hangin: hanggang 265 km/h.

Kumikilos ang bagyo nang pa-kanluran sa bilis na 20 km/h.

Signal No. 5:
Babuyan Islands

Signal No. 4:
Katimugang bahagi ng Batanes
Hilagang bahagi ng mainland Cagayan
Hilagang bahagi ng Ilocos Norte

Signal No. 3:
Natitirang bahagi ng Batanes
Gitnang bahagi ng mainland Cagayan
Hilaga at gitnang bahagi ng Apayao
Natitirang bahagi ng Ilocos Norte

Signal No. 2:
Natitirang bahagi ng mainland Cagayan
Isabela
Natitirang bahagi ng Apayao
Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao
Hilagang bahagi ng Benguet
Hilagang-silangang bahagi ng Nueva Vizcaya
Ilocos Sur
Hilagang bahagi ng La Union

Signal No. 1:
Quirino
Natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya, Benguet, La Union
Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales
Hilagang bahagi ng Quezon, kabilang ang Polillo Islands

Pinapayuhan ang lahat ng residente sa mga apektadong lugar na maghanda, manatiling alerto, at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at mga eksperto.