-- Advertisements --

Hindi ipatatawag o iisyuhan ng subpoena ng Senate Blue Ribbon Committee si Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co sa kabila ng mabibigat na alegasyong isiniwalat laban sa kanya hinggil sa umano’y korapsyon sa flood control projects. 

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ping Lacson, sinusunod nila ang inter-parliamentary courtesy kaya hindi nila direktang iimbitahan ang kongresista. 

Gayunpaman, maaari umanong magboluntaryong dumalo si Co upang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya. 

Bukas din ang komite kung nanaisin ni Co na humarap sa pagdinig para tugunan ang mga paratang nina dating District Engineer Henry Alcantara at dating Assistant District Engineer Brice Hernandez.

Ayon naman kay Senador Erwin Tulfo, nakadepende kay Co ang pagdalo sa imbestigasyon ukol sa umano’y korapsyon sa flood control projects.