-- Advertisements --

Walang balak na umalis sa Senate minority bloc sina Senator Bong Go at Robinhood Padilla.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng usapin ng pagkakaroon ng balasahan sa Senado.

Bago kasi ang adjournment ng session ay nagpost pa ang dalawa na sila ay Duterte bloc kaya dapat ang ibang senador ang sumali.

Kasama sa nasabing Duterte bloc si Senator Ronald Dela Rosa.

Sinabi naman ni Senator Bong Go na mahalaga na unahin muna ang pagtatrabaho kaysa sa pamumulitika.