-- Advertisements --
Pasok na sa semifinal round ng Eastbourne Open sa United Kingdom si Pinay tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos na talunin si Dayana Yastremska ng Ukraine sa score na 6-1, 6-2.
Mula sa simula ay dominado ng ranked 77 na si Eala ang laro laban sa 25-anyos na ranked 42 tennis star.
Susunod na makakaharap ni Eala si Varvara Gracheva ng France.
Nakaharap na ni Eala si Gracheva noong second round ng Nottingham Open at nagwagi dito ang Pinay tennis star.