-- Advertisements --

Ikinokonsidera ngayong ni US President Donald Trump na suplayan ng mga Patriot air-defense missiles ang Ukraine.

Layon nito ay para tuluyang maipagtanggol ng Ukraine ang bansa laban sa pag-atake ng Russia.

Ang nasabing pagpapasya ay naganap matapos ang ginawang pulon ni Trump at Ukraine President Volodymyr Zelensky na kapwa dumalo sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) summit na ginanap sa the Hague, Netherlands.

Naging mapayapa ang pag-uusap ng dalawang lider hindi tulad noong unang pagkikita nila na tensiyodo ang kaganapan.

Ayon pa kay Trump na ang apat na taon na labanan sa pagitan ng Ukraine at Russia ay itintuuring nitong mas mahirap kumpara sa ibang mga giyera.