-- Advertisements --

Tumama na sa Siargao Island ang sentro ng typhoon Odette, bandang ala-1:20 ng hapon.

Napanatili naman ang lakas nito na 185 kph at may pagbugsong 230 kph.

Nakataas ngayon ang signal number four (4) sa Southern Leyte, eastern portion ng Bohol, Dinagat Island, Surigao del Norte kasama na ang Siargao at Bucas Grande Islands.

Signal number three (3) naman sa Southern portion ng Leyte, southern at central portion ng Cebu, natitirang lugar sa Bohol, Negros Oriental, Siquijor, southern at central portions ng Negros Occidental, Guimaras, northern portion ng Agusan del Norte at northern portion ng Surigao del Sur.

Umiiral naman ang signal number two (2) Southern portion ng Albay, Sorsogon, Masbate kasama na ang Ticao at Burias Islands, Romblon, central at southern portion ng Oriental Mindoro, central at southern portion ng Occidental Mindoro, Palawan, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, nalalabing parte ng Leyte, natitirang lugar sa Cebu, nalalabing bahagi ng Negros Occidental, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, natitirang parte ng Surigao del Sur, Agusan del Sur, nalalabing lugar sa Agusan del Norte, extreme northern portion ng Zamboanga del Norte, extreme northern portion ng Zamboanga del Sur, Misamis Occidental, northern portion ng Lanao del Norte, Misamis Oriental, Camiguin, northern portion ng Bukidnon, northern portion ng Lanao del Sur.

Habang signal number one (1): Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, nalalabing bahagi ng Albay, Marinduque, southern portion ng Quezon, Batangas, nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro, iba pang parte ng Occidental Mindoro, natitirang bahagi ng bahagi ng mainland Palawan, kasama na ang Balabac at Kalayaan Islands, northern portion ng Davao Oriental, northern portion ng Davao de Oro, northern portion ng Davao del Norte, nalalabing bahagi ng Bukidnon, natitirang lugar sa Lanao del Norte, nalalabing bahagi ng Lanao del Sur, nalalabing lugar sa northern portion ng Zamboanga del Norte, nalalabing bahagi ng northern portion ng Zamboanga del Sur at northern portion ng Zamboanga Sibugay.

Inaasahang aabot sa apat na metro ang surge ng tubig mul sa karagatan, kaya ibayong pag-iingat ang ipinapayo ng mga otoridad.