Naiulat na nasawi na ang Bise Alkalde ng Ibajay, Aklan na kinilala bilang si Vice Mayor Julio Estolloso sa loob mismo ng kaniyang tanggapan pasado 9:15 am ngayong umaga ng Biyernes.
Ayon sa Ibajay Municipal Police Station, binaril ng gunman na kinilala bilang si Mihrel Senatin ang opisyal gamit ang isang 9mm na baril na siyang agad na tumama sa kaliwang dibdib ng bise alkalde.
Agad naman na dinala sa ospital ang opisyal ngunit idineklarang dead on arrival 10:23 am.
Tinitignang motibo ngayon sa krimen ay ang posibleng naging initan ng biktima at ng suspek sa session hall matapos na manghingi ang suspek ng kopya ng mga ordinasang naipasa sa ilalim ng termino ni Estolloso.
Sa kasalukuyan ay sumasailalim pa sa imbestigasyon ang insidente habang nasa kustodiya na ng Ibajay MPS ang suspek na siyang naaresto matapos na subukan pang tumakas sa crime scene.
LImang basyo naman ng bal ang natagpuan sa pinangyarihan ng krimen na siyang nakatakdang isailalim sa imbestigasyon.