-- Advertisements --

Nasampahan na ng kasong murder si Sangguniang Bayan Councilor Mihrel Senatin matapos ang kaniyang naging pamamaril kay Ibajay Vice Mayor Julio Estolloso nitong Biyernes.

Batay sa inisyal na report ng Ibajay Municipal Police Station at ng Police Regional Office 6 ay mayroong license to own a firearm ang suspek dahilan para magkaroon ito ng 9mm na baril.

Agad naman na naresto ang suspek sa loob ng kaniyang tahanan at kasalukuyan nanang nasa kustodiya ng pulisya.

Kasunod nito ay itinanggi ng Sangguniang Bayan sa isang pahayag na iba ang pagtrato ng biktima kay Senatin at nilinaw na normal ang pagkkaroon ng debate sa loob ng konseho ngunit kailanman ay hindi ito naging personal.

Dahil naman sa insidente, ang entry at exit sa Ibajay Municipal Office ay magiging iisa na lamang kung saan magpapatupad na rin ng mahigpit na inspeksyon sa kagamitan ng sinumang papasok sa opisina.

Samantala, maliban naman sa mas pinaigting na seguridad sa buong munisipalidad ay magsasagawa rin ng assessment ang mga doktor sa lalawigan upang matiyak na nasa maayos na estado ang kanilang mga empleyado.