-- Advertisements --

Nananatiling walang supply ng kuryente ang mahigit 100 barangay sa probinsya ng Pangasinan dahil sa naging epekto ng bagyong Emong na nag-landfall sa naturang probinysa.

Hanggang nitong araw ng Linggo (Aug 3), 86 na barangay sa western Pangasinan ang nagkaroon na ng maayos na power supply habang 106 ang patuloy na dumaranas ng malawakang power interruption.

Ang mga ito ay pawang nasa ilalim ng Pangasinan 1 Electric Cooperative (PANELCO1).

Mula sa 192 barangay na sakop ng naturang electric cooperative na naapektuhan sa pananalas ng bagyong Emong at iba pang bagyo, tanging 44.79% lamang ang tuluyang naibabalik.

Sa kasalukuyan, nakadeploy na sa naturang probinsya ang Task Force kapatid ng National Electrification Administration (NEA), Department of Energy (DOE) at Philippine Rural Electric Cooperatives Association (PhilRECA).

Ang naturang task force ay binubuo ng iba’t-ibang mga electric cooperative na nagmula sa ibang probinsya ng Ilocos Norte, Zambales, atbpa.

Target ng naturang task force na mapabilis ang power restoration sa mga komunidad sa Pangasinan na labis na naapektuhan sa tulong ng sapat na bilang ng mga linemen, engineer, at mga kagamitan.

Gabi ng Hulyo-4 noong nag-landfall ang naturang bagyo sa bisinidad ng Agno at nag-iwan ng malawakang pinsala habang nalubog din sa malalim na tubig baha ang maraming lugar sa Pangasina.