Nahaharap sa reklamong plunder at ibang kaso sa Office of the Ombudsman sina dating Pangasinan 4th District Representative Christopher de Venecia at Sual Mayor Liseldo Dong Calugay.
Kasama din sa reklamo ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) , contractors dahil sa dalawang ‘ghost’ flood control projects sa Pangasinan.
Isa sa mga nagreklamo ay si Samahan ng mga Operator at Tsuper ng Traysikel ng Pangasinan, Inc. President Jaime Aquino kung saan ang proyekto ay nagkakahalaga ng mahigit P289 milyon sa bayan ng San Jacinto.
Subalit inamin ng mga nagrereklamo na kulang ang kanilang ebidensiya kaya hiniling nila sa Independent Commission for Infrastructure at Office of the Ombudsman na mag-imbestiga.
Itinanggi naman ni De Venecia ang alegasyon kung saan sinabi nito na ang nagrereklamong si Aquino ay matagal ng mayroong maruming reputasyon sa media industry.
Handa umano nitong harapin ang nasabing reklamo sa ICI at Ombudsman.
















