-- Advertisements --

Sugatan ang 12 katao matapos ang pagkaaberya ng sinakyan nilang rides sa isang peryahan sa bayan ng San Jacinto , Pangasinan.

Base sa imbestigasyon na masaya pang nagtatawanan ang nasa 30 katao na sakay ng rides ng biglang bumigay ang isang bahagi nito.

Dinala naman sa pagamutan ang mga sugatang bikitma.

Hindi inakala ng mga trabahador ng perya na magkakaroon ng aksidente dahil sa nagsagawa muna sil ang inspeksyon bago ang nasabing operasyon ng rides.

Tiniyak naman ng operator ng peryahan na sasagutin ang gastos sa pagamutan ng mga nasugatang biktima.