Pinayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang ipinapatupad na enhanced due diligence (EDD) sa mga cash withdrawal ng mahigit P500,000 ay kada customer at hindi kada transaction basis.
Sa inilabas na memorandum ni BSP Governor Eli Remolona Jr. na ang paglilinaw ay para matiyak na walang delay sa mga lehitimong transaksyon.
Pinayuhan din nila ang mga bangko na bawasan ang proseso para sa mga customers at turuan din ang mga staff nila para maging epektibo ang pagpapatupad ng nasabing kautusan.
Nagbunsod ang nasabing kautusan noong nakaraang taon sa over-the-counter withdrawals ng mahigit kalahating milyong piso para maiwasan ang money laundering na iniuugnay sa mga malalaking withdrawals.
Ang mga customers na nais na mag-withdraw ng mahigit kalahating milyon ay kailangan magpakita ng mga dokumento gaya ng deed of sale o hospital bill.
Magiging mahigpit ang due diligence check kung may kahinahinalang transaksyon ang customers.
















