-- Advertisements --

Nanatiling tikom si Senator Bam Aquino sa isang pulong kabilang si dating Vice President at Naga City Mayor Leni Robredo, na tinawag niyang isang reunion.

Ayon kay Aquino, nag-usap lamang sila tungkol sa kalagayan ng bansa at sa kanilang mga adbokasiya. Kasama rin sa pulong sina Sen. Risa Hontiveros, Sen. Kiko Pangilinan, Reps. Chel Diokno at Leila de Lima, dating Sen. Franklin Drilon, at dating Budget Sec. Butch Abad.

Tungkol sa 2028 elections, sinabi ni Aquino na maraming nais na tumakbo si Robredo ngunit nakasalalay pa rin ito sa desisyon nito. Hindi rin niya direktang sinagot kung may plano nang bumuo ng united opposition, ngunit iginiit ang kahalagahan ng pagtutulungan hindi lang para sa susunod na eleksyon kundi para sa kasalukuyang mga problema ng bayan.

Samantala, sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na wala pa umanong napipiling frontrunner ang oposisyon para sa 2028.

Gayunman, iginiit niyang bukas siyang tumakbo sa pagkapangulo kung siya ang piliin ng isang nagkakaisang oposisyon. (Report by Bombo Jai)