-- Advertisements --
Nagpasya ang Germany na suspendihin muna ang lahat ng mga military export sa Israel.
Ayon kay German Chancellor Friedrich Merz, ayaw lamang nila na magamit ang nasabing mga armas nila sa Gaza.
Una kasing inaprubahan ng Israel Cabinet ang pasya ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na kontrolin ng tuluyan ang Gaza.
Dahil dito ay sinabi ni Mertz na hindi na iootorisa ng Gobyerno ng Germany ang pag-angkat ng mga armas sa Israel na gagamitin sa Gaza.