Binigyang linaw ng Kataastaasang Hukuman na hindi pa pinal ang opisyal na listahan ng mga aplikante sa pagka-Ombudsman.
Kung saa’y naglabas ng isang klaripikasyon ang Korte Suprema hinggil sa umano’y ‘disqualification’ ni Secretary Jesus Crispin Remulla sa aplikasyon nito pagka-Ombudsman.
Sa ibinahaging mensahe ni Atty. Camille Sue Mae Ting, tagapagsalita ng Supreme Court, kanyang sinabi na ang ‘vetting process’ ng Judicial and Bar Council ay hindi pa nasisimulan.
“The Judicial and Bar Council (JBC) has not yet commenced the vetting process, as the official list of applicants under consideration has yet to be published,” ani Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting.
Kumalat kasi ang impormasyon o isyu sa online kung saa’y sinasabing na-disqualified ang kasalukuyang kalihim ng Department of Justice.
Ayon naman kay Justice Secretary Remulla, hindi aniya sinusukuan ang aplikasyon sa Judicial and Bar Council upang maupo bilang Ombudsman.
Sakaling mapili at tuluyang maitalaga ang naturang kalihim, kanyang papalitan ang nagretirong si Ombudsman Samuel Martires.
Habang kanyang iiwan ang posisyon sa pagka-secretary ng Department of Justice na kanyang kasalukuyang pinamumunuan.