-- Advertisements --

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na walang kinalaman  sa pagiging tama o mali ng mga akusasyon  laban kay vice president sara duterte na nakapaloob sa reklamong impeachment na kaniyang kinakaharap, ang naging desisyon kamakailan ng korte suprema.

Ayon sa pangulo, procedural issues lamang ang tinalakay at pinagpasyahan ng korte suprema, at hindi ang nilalaman ng reklamo. 

Giit ng pangulo walang naging paglilitis at ang nilalaman ng reklamong impeachment ay hindi naman napag debatehan. 

kaya hindi ibig sabihin na wala  nang pag uusapan pang pananagutan. 

Muling binigyang diin ng pangulo  na walang papel ang ehekutibo sa impeachment proceedings, kaya hindi maaaring sumali siya sa  usaping ito. 

Tanging ang korte suprema, kamara at senado lamang  aniya ang may papel sa proseso ng impeachment. 

Matatandaan na sa naging desisyon ng korte suprema, iginiit nito na nalabag sa reklamo ang konstitusyon partikulara ang one year bar rule at nabigong magbigay ng due process sa respondent, na nagbigay daan para ipawalang bisa ang pagbubukas ng pagtalakay sa reklamo. 

Nito namang miyerkules ay mayoryang napagbotohan sa senado na i archive ang impeachment complaint laban kay vice president duterte.