-- Advertisements --
Tinawag na isang kahihiyan sa buong mundo ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang pagkakaroon ng impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Vice President Sara Duterte.
Dagdag pa ng senador na makakaapekto ang nasabing usapin sa imahe ng bansa sa buong mundo.
Ganun pa man ay tiniyak niya na kanilang tatalakayin ang impeachment kapag nakarating na ito sa Senado.
Magsisilbi kasing impeachment court ang Senado sa mga isinasampang impeachment complaints.
















