Inaprubahan na umano ng Security Cabinet ng Israel ang plano ni Prime Minister Benjamin Netanyahu na sakupin ang Gaza City, ayon sa pahayag ng kanyang tanggapan nitong Biyernes, Agosto 8, 2025.
Ginawa ang desisyon sa kabila ng lumalalang humanitarian crisis sa Gaza at lumalakas na pagtutol mula sa publiko sa loob mismo ng Israel.
Ayon sa ulat ng CNN, ang plano ay aprubado na rin ng buong gabinete, bagaman wala pang opisyal na detalye ang inilalabas hinggil sa pagpupulong.
Bukod dito, inilatag din ng Israel ang limang pangunahing prinsipyo para sa pagtatapos ng giyera sa Gaza tulad ng
pag-disarma sa Hamas, pagbabalik ng lahat ng bihag — buhay man o patay, ganap na pagsakop sa Gaza, pagdeploy ng seguridad ng Israel sa Gaza, at pagtatatag ng bagong pamahalaang sibil na hindi mula sa Hamas o Palestinian Authority.