-- Advertisements --

Nabigo ang Alas Pilipinas womens’ volleyball team sa kamay ng Vietnam sa nagpapatuloy na 2025 SEA V. League Leg 2.

Hindi nakaporma ang pambato ng bansa sa host country at nakuha ang scoring na 25–14, 30–28, 25–17.

Sa ikalawang set ay nangibabaw ang Pilipinas subalit bigo nila ito ng maulit hanggang sa final set.

Hindi hinayaan ng Vietnam na maungusan sila ng Alas Pilipinas kaya dinomina ang laro hanggang makuha nila ang panalo.

Target ngayon ng Gilas na makabawi sa paghaharap nila laban sa defending champion na Thailand sa gabi ng Sabado, Agosto 9.