Naghain ng serious protest ang China matapos ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa posibleng pakikialam ng Pilipinas sakaling sumiklab ang Taiwan invasion.
Sa isang statement, iginiit ni China Foreign Ministry spokesperson Guo Jiakun na ang Taiwan ay hindi umano maipagkakailang parte ng China at ang pagresolba sa isyu sa Taiwan ay isa aniyang usapin para lamang sa China kayat wala dapat aniyang makialam.
Inihayag din ng China na ang Taiwan ay parte ng kanilang teritoryo at nagbantang gagamit ng pwersa para mapasailalim ito sa kanilang kontrol.
Pinaalalahanan din ng Chinese official si Pang. Marcos na nangako umano ang Pilipinas na tatalima sa one-China policy at sa diwa ng China-Philippines Joint Communique para sa pagtatatag ng diplomatic relations at iwasan ang paglalaro aniya ng apoy sa mga isyung may kinalaman sa interest ng China.
Una rito, sa naging panayam ng Indian media kay Pangulong Marcos sa sideline ng kaniyang state visit sa India, natanong ang Philippine President kung bukas ba siyang payagan ang Amerika na gamitin ang resources at bases sa Pilipinas para depensahan ang Taiwan sakaling maglunsad ng invasion ang China, tugon naman ng Pangulo na walang dahilan para hindi makialam ang Pilipinas.
Pangunahing dahilan dito ay ang geographic location ng Pilipinas na malapit lamang sa Taiwan. Inihalimbawa pa ng Pangulo ang malapit na distansiya lamang ng capital ng kaniya mismong probinsiya sa Ilocos Norte na Laoag na 14 minutes flight lamang ang layo mula sa Kaohsiung City sa Taiwan.
Gayundin tinukoy ng Pangulo ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Taiwan na pinaikinokonsidera para makialam ang PH sakaling sumiklab ang all-out war kung saan agad aniyang papakilusin ang lahat ng mayroon ang bansa para mailikas palabas ng Taiwan ang mga Pilipino doon.