Magsasagawa g review ang Hukbong Dagat ng Pilipinas ang diving protocols ng kanilang tanggapan atapos a masawi ang dalawa nitong tauhan sa Brgy. Mindupok, Maitum, Sarangani.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Capt. John Percie Alcos, inihayag niya na patuloy nanag sumasailalim sa imbestigasyon ang insidente kung saan unang hakbang nila dito ay ang pagrereview ng mga protocols hindi lamang sa recreational ngunit maging sa mga operational diving para maiwasan na ang mga ganitong klase ng insidente.
Batay sa inisyal na report at kumpirmasyon ng Hukbong Dagat, nangyari ang insidente habang off-duty ang isa habang ang dalawa naman ay naka-wellness break nitong Agosto 4.
Halos isang oras nawala ang mga biktima matapos na mag-dive sa dagat bago makitang wala nang buhay at palutang-lutang sa katubigan.
Samantala, inilarawan naman ng tagapagsalita bilang mga experienced divers ang mga biktima at nauna nang magpaabot ng tulong o full assistance sa mga naulilang pamilya ng mga divers.