US Senate impeachment trial

Wala umanong anumang pressure na nadarama si US President Donald Trump sa pagsisimula ng impeachment trial laban sa kaniya.

Sinabi nito na pawang mga imbento lamang daw ang nasabing reklamo sa kaniya.

Naniniwala ito na walang masama sa ginawang pagtawag sa pangulo ng Ukraine.

Umaasa ito na agad na maibabasura ang impeachment case kung saan kontrolado ng mga Republicans na kanyang kaalyado ang Senado.