-- Advertisements --

Tinatayang aabot sa mahigit 3.648 kilo ng shabu at higit 60 gramo ng marijuana ang nakumpiska ng Bureau of Corrections mula sa mga isinagawa nitong operasyon sa kanilang iba’t-ibang prisons and penal farms sa buong bansa.

Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr., ang numerong ito ay resulta ng kanilang mga hakbang upang masawata ang pagkalat ng ilegal na droga sa kanilang mga pasilidad.

Giit ni Catapang na ang mga pasilidad ng BuCor ay naka disenyo para sa rehabilitasyon ng lahat ng mga inmate sa halip na madawit muli sa mga kriminal na pag-uugali.

Iniulat naman ng BuCor ba walang nakumpiskang ilegal na items mula sa Iwahig Prison and Penal Farm at Correctional Institution for Women.

Kaagad naman na itinurn over ng BuCor ang mga nakumpiskang iligal na droga sa pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency para sa kaukulang disposisyon.