-- Advertisements --

Inutusan ng isang U.S. District Judge si U.S. President Donald Trump na ibalik na ang kontrol ng mga National Guard sa gobernador ng estado ng California na si Gavin Newsom, ito’y matapos ituring na ilegal ang desisyon ni Trump na i-deploy ang mga ito sa Los Angeles habang naganap ang malawakang protesta laban sa mga immigration raids.

Ayon kay Judge Charles Breyer, ang hakbang ni Trump ay ”illegal” at iniutos na ibalik agad ang kontrol ng National Guard sa estado ng California. Gayunpaman, ipinagpaliban ang implementasyon ng desisyon hanggang hatingabi ng Biyernes (local time).

Agad namang umapela ang White House sa U.S Supreme Court hinggil sa desisyon ni Breyer.

Tinuligsa naman ni Newsom ang desisyon ni Trump, at sinabing hindi ito “monarchy” at hindi dapat aniya magpakita ng ganitong uri ng kapangyarihan ang Pangulo.

Maalalang nagsimula ang isyu nang i-federalize ni Trump ang National Guard at ipadala sa Los Angeles dahil sa umano’y mararahas na protesta, kahit pa na una nang tinutulan ito ni Newsom.

Ngunit iginiit ng hukom na walang sapat na ebidensya ng “rebellion” at ang mga protesta aniya ay nakatuon lamang sa isyu ng immigration raids, na nagbigay-diin na ang pagkakaroon ng mga protesta ay protektado na naayon sa kanilang karapatan sa ilalim ng First Amendment.