-- Advertisements --
Hindi maitago ni Kanye West ang kaniyang pagkadismaya sa light controller ng kaniyang show sa Los Angeles.
Makailang ulit na itinigil ng singer ang kaniyang kanta dahil sa hindi magandang paggalaw ng ilaw.
Dagdag pa nito na hindi tumutugma ang ilaw at ito ay labis na naiistorbo.
Dahil dito ay minabuti niyang patayin na ang ilaw habang kinakanta ang kaniyang hit song na “Good Life”.
Matapos ang ikatlong pagtigil ay ipinagpatuloy na ang pagkanta.
Ilang mga singer din ang nakasama ng rapper sa show gaya nina Don Toliver ganun ang anak nitong si North.
















