Ipinaliwanag ng singer na si Ariana Grande ang dahilan ng kaniyang pagpapahinga.
Sinabi nito na tahimik at matagal na niyang naiplano ang nasabing pagpapahinga.
Sa kaniyang pagtatanghal sa Chicago sinabi nito na hindi dapat bigyan ng negatibong pananaw ng kaniyang fans ang pagliban nito.
Mahalaga aniya na maglagay ng boundaries at bilang isang tao ay kailangan din ang magpahinga minsan.
Giit nito na kahit anumang ingay ang nararanasan noon ay wala pa ring makakapigil sa realidad.
Kaya nais niyang makausap ang mga fans ay para direkta itong marinig sa kaniya at hindi yung mga manggagaling pa sa ibang mga tao.
Una ng sinabi ng kaniyang representatives na nakaplano na ang kaniyang pagpapahinga.
Tatapusin lamang niya ang ilang show niya London sa buwan ng Setyembre bago ang tuluyang pagpapahinga.
















