-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US President Donald Trump na nagkaroon na ng kumpleto at total ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.

Sinabi nito na nagkasundo ang magkabilang panig ng simulan ang ceasefire pagkatapos ng anim na oras.

Giit nito na tumugon ang dalawang lider ng bansa na magkaroon na ng “complete at total” ceasefire.

Dagdag pa nito na sisimulan ng Iran ang ceasefire at pagkatapos ng 12 oras ay susunod ang Israel hanggang sa opisyal na pagtatapos ng 12 araw na giyera.

Nangyari ang pag-uusap matapos ang airstrike ng Iran sa base militar ng US sa Qatar.