-- Advertisements --

Ipinahayag ni dating U.S. President Donald Trump ang kanyang pagkadismaya matapos ang pakikipag-usap sa telepono kay Russian President Vladimir Putin kaugnay ng isinusulong na ceasefire deal sa Ukraine.

Ayon kay Trump, tila walang intensyon si Putin na itigil ang kaguluhan.

‘I’m very disappointed with the conversation I had today with President Putin, because I don’t think he’s there, and I’m very disappointed,’ ani Trump.

‘I’m just saying I don’t think he’s looking to stop, and that’s too bad,’ dagdag nito.

Hindi rin umano napag-usapan ang pansamantalang pagtigil ng Amerika sa pagpapadala ng armas sa Ukraine, ayon sa ulat mula sa Kremlin aide na si Yuri Ushakov.

Makalipas lamang ang ilang oras mula sa kanilang pag-uusap, iniulat ng mga opisyal sa Kyiv ang ginawang drone attack ng Russia na nagdulot ng sunog at palitan ng putukan sa rehiyon.

Kaugnay nito, nakatakda namang makipag-usap si Trump kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy upang talakayin ang pagkaantala ng military aid.

Bagamat hindi pa tuluyang itinigil ng Amerika ang pagbibigay ng military aid, iginiit ni Trump na “naubos” umano ni dating U.S. President Joe Biden ang stockpile ng bansa.

Samantala tahasang sinabi naman ng Kremlin, na bukas sila sa pag-uusap, ngunit binigyang-diin na dapat direkta ang lamang kanilang pag-uusap sa pagitan ng Russia at Ukraine —nang walang pakikialam ng Amerika.